Classic lines from classic people (in short: mga oldies) May 12, 2008
Posted by Rhia in Lines to ponder.Tags: Erap, GMA, Good governance
add a comment
Mga Katagang nakakamangha, nakakabigla at kapupulutan ng aral (kung meron man…)
5. Welcome
Ang mga makahulugang panimula ni GMA sa lahat… sa mga foreign investors, pangunahing pangdangal sa MalacaƱang at mga ordinaryong mamamayan na hindi naiintindihan ang kanyang English at kanyang pinagsasabi. Di mo malaman kung ito ba ay welcome to the Philippines, to you or to the jungle.
Malaman ang katagang ito dahil hindi natin alam kung ito ay hudyat ng babala o paanyaya.
Kung paanyaya, eh di maganda. Kung babala..hehehehe… Enter at your own risk…
4. Baka tamaan ka ng kidlat dyan!
Ang tanging nasabi ni Erap kay Chavit tuwing sinasambit na “Matalik kong kumpare ‘yan!”
Buti na lang may arthritis na si Asyong Salonga kungdi na-Roman Rapido sya. At pasalamat si Chavit patay na si Da King, kungdi…
Di na sya sisikatan ng araw!
3. Sue Me!
Ang hamon ni Manay Lolit sa mga aktor-aktrisang sina Piolo Pascual at Sam Milby
Ang resulta: Ayun! Dinemanda sya for libel worth P12/ twelve million pesos. Kasama ang isang batalyong saksing kapamilya (walang kapusong ang dinala) na nagpapa-totoo diumano sa kinaroroonan ng magsing-irog.. sa Ngalan ng Panginoon (hehehehehe…)
Si Manay, kalmado kahit kinakantahan na siya ni Joey de Leon ng mga kantang pang-selda. Umakyat ang kaso sa husgado na ikinagulat ni Manay. Pero kalmado pa din sya. Humingi na ng sorry kina Sam at Papi este Papa Piolo, kasama na kina Mr. M aka Johnny Manahan (Hindi po Mr. McDo yan). Pero hindi nya binawi ang kanyang mga sinabi. Kaya ayun, tinuluiyan syang kasuhan hanggang sa tuluyan ng umusad ang kaso.
Ngunit, subalit, pero, datapwat…
Gumawa ng ingay ang mag-tandem na ito na malamng next week matatabunan na ng mas kapaki-pakinabang na mga balita. “Namasyal” kasi sina Sam at Piolo kasama ang kanilang “showbiz” na abogado, sandamukal fanatics ng kanilang loveteam at TV crew. Caught by surprise si Raul Gonzales dahil akala nya may syuting ng teleserye sa kanyang opisina. Kala nya magkakaroon sya ng special participation sa isang teleserye. Buti di na nila nayaya si Gonzales mag-picnic Luneta.
Sa ngayon depressed si Manay. Kahit ipinagtanggol na sya ni Joey, wala sa fighting mood si Manay dahil kay Daboy. Pero nakahanda daw sya sa arraignment nya this week at magkikita-kita sila.
Ano kaya mangyayari sa kanila? Tuluyan na kaya silang mag-aaway at magsisigawan ng mga katagang:
Piolo at Sam: Harbateeerrrrraaaaa!!!!
Lolit: Malaaanssssaaaaa!!!!
2. Mr. Chairman, I would like to make a manifestation…
Ang mga linya na sinasabi ni Miriam tuwing sya’y sasabat este sasali sa diskusyon sa Senado. Nais nya na lahat ng kanyang sinasabi ay naka-record. Mapa-police, class at tape.
Pero may class si Miriam pag sinasabi nya to. At least marunong syang magpasintabi.
Sana yan din ang ginawa nya nung sinabi nya ang tungkol sa Meralco. Na-offend tuloy ang mga Lopez. Hindi sana barubal ang pagkakasabi nya.
Sana may class, may breeding…
Tulad nito:
Mr. Chairman, I would like to make a manifestation that Meralco should be bombed…
1. Present!
Yan ang walang kaabog-abog na nasasambit ng kagalang-galang na senador nagmula sa Gitnang Luzon na si Leon Guerrero aka Lito Lapid.
Almost perfect ang kanyang attendance sa pagpasok. Kumbaga sa klase, “Best in Attendance” si Sir. Pero indyanero naman sa hearings. Wala naman syang maibigay na excuse slip para sabihing nasaan sya. Di naman sya mahagilap sa library, parking lot, playground at sa canteen. Pero pag nag-quorum na, para syang kabute na lilitaw. Ayun! Nagpalipas hangin lang pala sya. Andun sya sa kanyang de-aircon na opisina. Gumagawa “daw” ng butas este batas.
Pero ang galing naman nya. Napaka-sipag at matiyaga! Dapat kunin tong running mate ni Manny Villar sa 2010 at may temang:
Sipag at Tiyaga! Tumatambling para sa kinabukasan…
Hehehehe…
Teka, magkano kaya baon nyan? Siguro mataas kaya laging pumapasok.
Unang Hirit May 12, 2008
Posted by Rhia in Mga Pauna.Tags: Good governance, Kuryente, Meralco
add a comment
Test, mic…onet, two, one, two…
Test mic… Mic test…Ahem…
Unang-una sa lahat, binabati ko ang aking sarili sa paggawa muli ng panibagong dyornal. Sana mapag-ukulan ng pansin para naman mailabas ko ang mga nararamdaman ko. Mahirap pala kung wala kang mapaglilibangan. Dati nagda-diary ako. Ngayon, hindi na. sayang ang papel at espasyo- kung saan ko sya ilalagay. Magmumukha ng junkshop ang aming bahay dahil sa mga papel na iniimbak ko.
Nweys, maraming isyu ngayon. Muli, nagkakagulo ang PInas dahil sa matapos ang NFA Rice Shortage (na sana aminin na ng goberyno) eh nagkakagulo nanaman dahil sa Meralco. Kailan lang ay ni-raise ng GSIS sa pangunguna ni Winston Garcia ang pagtatanong kung bakit mataas ang singil sa kuryente ng Meralco samantalang sa Cebu (iba ang power utility) ay mas mura ng P3/ tatlong piso kada kilometro ng kunsumo ng kuryente. Kasi dito sa Maynila, halos umaabot ng P5/ limang piso ang singil. Isama mo na dyan ang kontrobersyal na Systems Loss na sinisingil nila sa mga consumers na lehitimong nakakabit sa Meralco.
Maraming isyui ang pagdedebatehan eh. Ngayon nga nasa Bicameral session ang Congress at Senate (first time in years) para lang “gisahin” ang Meralco. Ang Senate sa pangunguna ni Miriam “Krung-Krung” Santiago at sa Congress ay si Mikey “Pakitang-Gilas” Arroyo aalamin kung ano at saan ang mali ng pagpapatupad ng mga batas na related sa Power Sector. Meron kasing EPIRA Law (Electric Power Industry Reform Act of 2001) na kung saan sya ang pamantayan sa pagpapatupad ng tamang singil sa kuryente. Ngayon bukod sa nais nyang pasabugin ang Meralco dahil ito raw ang kuta ng mga Mafia, gusto nyang reviewhin ang batas na ito para naman ma-revise at ma-pinpoint kung ano ang mga nilabag na batas ng Meralco, isama mo na ang IPP (Independent Power Producers) at NPC o ang kilala natin sa tawag na NAPOCOR.
So syempre, bumwelta naman ang Meralco. Sinisisi ang NAPOCOR sa mahal na pagbenta ng kuryente sa kanila. Samantalang ang NAPOCOR pinagbibintangan ang Meralco na bumibili ng kuryente during peak hours (meron pala nun!). Samantala si Winston, na akala mo pagka-linis-linis, eh nagdedemang ng ACCOUNTABILITY (huh???) sa mga records ng Meralco. They (along with his colleague cohorts) are demanding for a TRANSPARENT accounting systems from the Lopezes. Dagdag nya pa na bilang stock holder ng Meralco (imbes na sabihing representative ng mga Pilipino sa boards) eh karapatan nyang malaman kung saan napupunta ang mga labis na singil ng Meralco.
Pero imbes naman na sumagot sa isyu, tulad ng ginawa nila sa MWSS/ Maynilad, sinabi ni Oscar Lopez na kunin na lang ng gobyerno ang stakes nila sa Meralco. Sabi naman ni Winston, “Sige!”
Tsk, tsk, tsk…
Haaayyyy, mahaba pang kuwento yan kaya kaabang-abang na naman ito sa kasaysayan ng Pinoy. Mala-telenobela na naman ang hearings sa Senado. Meron dyan pihadong mag-aaway at maghahanap ng atensyon sa madlang pipol. Lalabas na naman ang mga kuwento na malamang panahon pa ni Mahoma at yung mga lihim na pinagkatago-tago ay mabunyag. At sa kalaunan, ang sisihin na naman ng mga lintek na yan ay si…
Sino pa? eh di MARCOS!!!!
Si Marcos na wala ng malay.
Haayyyy, basta simula na to ng mahaba-habang kuwentuhan. Di naman tayo aabot sa pag-inom ng beer o alak.
Sabi nga ni GMA pag nag-iispeech sya sa mga foreign investors…
WELCOME!